KUNG PAANO NAKUHA NG TETUAN 
ANG KANYANG PANGALAN

     Noong mahabang panahon ng siyamnapung taon, pinaalis sa Pilipinas ang mga paring Hesuwitas at pinayagan lamang silang bumalik dito noong 1859, kasabay ng pagbagsak ng Morocco sa kamay ng mga Kastila at ang mga pangyayari nang nakuha ang importateng puwerto at ang Siyudad ng Tetuan sa bayang iyon.

     Ang mga Hesuwitas ay muling bumalik sa Zamboanga noong 1862 at sila ang namahala sa parokyang dating nasa pamamahala ng mga parokya ng baryo Lama-Lama na pinangalanan nilang muli ang mismong puwerto na Siyudad ng Tetuan, gaya sa Siyudad  ng Morocco, isang lugar sa bandang hilaga ng Afrika.

     Ang unang kura paroko ay isang paring Hesuwitas na si Pare Ramon Barua at ang kauna-unahang pagbibinyay sa ilalim ng kanyang pamamahala ay ginanap noong Enero 3, 1863 na siyang pasimula ng pagtatatag ng baryo Tetuan.  Ang unang Sentenaryo ng baryo ng Tetuan ay pinagdiwang noong Enero 3, 1963.

Church    Fiesta     Guest Book    Officials 
Patron Saint    Population    Schools    Site Map   
Sports 

Back